Sunday, July 10, 2011

kainis

naremember ko yung unang beses na nalaman ng mga kasamahan ko dito sa bahay na babae partner ko. ako na masyadong fragile ay naiyak nalang.i took it seriously. iyak ako ng iyak. di ako umiyak dahil sa natatakot ako na ipagsabi nila ang tungkol dun,naiyak ako kasi nagpaparinig sila na bakit kailangan babae pa ang ipapartner eh may mga lalaki naman. ung mga panghuhusga na yun at mga walang basehan na pangungutya ang naging dahilan ng pag-iyak ko. kainis yung mga ganung tipo ng mga tao na kung makakomento eh animo'y wala silang nagawang mali at pinipilit na ang pakikipagrelasyon ng babae sa babae ay isang malaking kasalanan sa mata ng diyos. at kainis na huhusgahan ka base sa paniniwala nilang baluktot.

No comments:

Post a Comment

watchathink?